Tuesday, April 21, 2009
Chill.
Paano ba magcelebrate ng buhay ngayong summer nang walang pera at walang kasama para magcelebrate? Hindi ko akalaing magiging ganito kaboring ang summer ko.
May dalawang estado lang naman ang buhay ko ngayon, its either i am bored or tired.
Tired. Kasi para akong katulong sa bahay. Bored, kasi wala ng ibang magawa bukod sa pagiging yaya ko.
Sarap nun no? Pero may natuklasan ako...
Isa pala sa pinakamasarap gawin e ang matulog.Mahiga lang ako somewhere dito sa bahay e tulog agad ako. At maswerte na sila mama dahil may taga saing sila kung magising ako pagkatapos ng 2 oras dahil usually, inuumaga na yung idlip ko. At dahil siguro madalas akong tulog e mas nagiging weird at bizarre at super interesting ng mga panaginip ko. Tulad kagabi na kasama raw ako sa movie na watchmen tapos nagpunta daw kami sa Mars. Nung isang araw naman, napanaginipan ko na may billboard na raw ako sa Olongapo. Hahaha. At may isang beses pa na napanaginipan ko na binuhat ko raw yung ref namin tapos pinamigay ko sa magbobote tapos binayaran niya raw ako ng 1 million. Astig no? At di lang yon, mas narerecall ko na mga panaginip ko, di tulad dati na parang na idlip lang ako ng 30 minutes, tapos paggising ko e kamot ulo na lang magagawa ko sa kakapilit na alalahanin yun magandang panaginip ko.
At sa isang kisapmata, pinagmunihan ko ang bilbil ko at mataba kong braso...at nabaling ang atensyon ko sa isang realization na, after ng maraming days/months/years of nonstop eating, e mistulang nagkaroon na ng tyanak sa tiyan ko ngayon. OMG. Kailangan ko ng magpapapayat. Nakakarindi na rin yung paulitulit kang sinasabihan ng tabachoy. Paano ko pipilitin sarili ko na wag kumain, mag iced tea, softdrinks at junkfoods? Kailangan ko rin magexercise, magjogging at gumalaw galaw.
Gusto ko na pumayat at magising, figuratively at literally. Pero hindi ko pa alam kung paano, kung ganito ko ipagdidiwang ang summer. Baka lumobo at mamanas lang ako lalo...
10:24 PM