ENTRIES
PROFILE
LINKS
TAGBOARD
MISCELLANEOUS
CREDITS
Tuesday, February 3, 2009
K.
tama na muna ang mga walang kwentang, pilit na ginawang blog entry para magkaroon ng laman ang munti kong multiply. Ito na ang update sa buhay ko. Teka lang wait, time check. 4:37AM. SIMULAI think all of us have a busy sched these days, getting tired out, and its already 4:37 am and I want to drop dead on Geliza's bed, pero hindi ko magawa. Ayaw ng katawan ko. Ayaw ng mata ko. Pero alam mo bang hindi lahat ng gising na daig pa ang kwago e normal lang sa tao? Hindi lahat ng dilat sa oras na to nakakakita. Dahil wala naman may gusto na manatiling gising habang pasikat nanaman yung araw na walang ginawa kundi lumitaw ng lumitaw at hindi ka mapagbigyan ng buwan na wag sanang umalis para kahit saglit e maipikit ang matang bigat na bigat na sa kanyang talukap at pilikmata na daig pa ang nalagyan ng ilang patong na mascara? Teka, question mark ba dapat ang punctuation? O eh ano naman ngayon? Haha. Wala lang. Malinaw naman na di ba? Wala pa akong tulog. Pero lilinawin ko pa ulit, dalawang linggo na akong walang tinutuluan ng laway na nakakakilig na panaginip na palagi lang naman nagsisimula sa malawak na imahinasyon ko na pampaantok ko para dirediretso na sa tulog. E paano nga naman, kahit gustong gusto na ng sistema ko na humilata sa kama pero pinipigilan ng utak ko kasi hindi ko na dapat ibagsak ang prelims ko sa lahat ng subject, oo sa lahat dahil kung hindi ako bagsak dahil sa test, bagsak ako dahil sa absences. Kaya dapat lang talaga na mapasa ko ang prelims, kundi lagpas 100 ang kailangan ko pagdating ng finals. KATAPUSANMasaya. No more exams. Yung problema na lang e docufilm na hanggang ngayon e intro pa lang ang nagagawa ko. :( Kaawaawa naman. At kapag minamalas e kami kasi ang unang grupo na magpapakita ng gawa. No more exams. Pero wala na rin akong papasukan next sem dahil bagsakan na po ako. Hindi ko talaga matanto kung bakit ganun na lang kami tratuhin ng mga guro. Hindi ba nila naiintindihan mga sitwasyon namin. Oo, pinipilit kong intindihin ang accounting subject ko at walang duda na mula 9am hanggang 1am kinabukasan e nagaaral ako at nagpraktis magsolve, pero pagdating ng exam e muli nanaman akong sinapian nung Clyde Charlott Mendoza na 4th year highschool na nakatulala tuwing Calculus exam dahil walang masagot dahil walang alam dahil walang notes na naaral at walang stock knowledge dahil hindi nakinig sa discussion at walang magic powers o hula powers pero may natitirang asa powers. Asa para sa himala, divine intervention at himala na bigyan ng sagot ng katabing kaklase. Ang kaibahan lang, nag-aral ako sa accounting, sa calculus hindi. Pero kahit ganun, wala akong nasagot. Wala ring himala at ni katiting na pag-asa na masilip ko man lang ang sagot ng katabi ko. Wala. Hindi ko alam kung bakit ako tanga. Pasensya na, sabihan mo na akong bobo, pero ganun talaga. Akalain mo pang pagkatapos ng madugong exam na yun, tumawag sa akin si Melissa, umiiyak dahil wala rin daw siyang nasagot? Bakit naging ganito ang aming kapalaran? Masyado na ba kaming nagiging makasalanan sa pagging chismosa? At next week, simula na ng katapusan. Natural, ipapamuka na sa akin na akoy bagsakan na at pupulutin na lamang sa kangkungan. No more exams. Goodbye na sa accountancy. WAKASBilang pangwakas, gusto ko lang naman sabihin na isa ito sa mga serious entry ko sa multiply na to. Madalas nga ako mag-update pero kapansinpansin naman na walang kakwenta kwenta ang mga sinasabi ko. Pero sana, sa entry na to e naramdaman mo ang isang matinding kirot sa iyong puso. Oo, alam kong kaawa-awa na ako. Pero kahit ganun, may natututunan naman ako. Sawa na ako umasa. Ginagawa ko naman lahat. At sa kabila ng pagpupumilit ng iba na ayusin ko na ang topakin kong buhay na ginagawa ko naman minsan, napapagod na rin ako. Nag-aaral ako kung kailangan talaga, walang duda dun. Pero ayoko na magpakasakit pa. Nagpapakapanget ako dahil sa puyat, pero lahat ng yun, mapupunta rin sa wala di ba? Sana malawak pangintindi ng lahat ng tao lalo na magulang ko. At natutunan ko lang naman, na dapat sa simula pa lang, malinaw at lagpas 100 porsyento ko sa gusto mong gawin sa buhay para kapag dumating sa puntong dehado ka, marami kang mabibigay sa sarili mo na pag-asa para pampursigi kasi nga naman kung ganun ang sitwasyon, malinaw na gusto mo ang naging desisyon mo at anuman bagay na pinili mo at ayaw mong may maging mali o palpak doon. Pero sa sarili ko, naging mali man ako, extra excited pa ako kasi may katapusan lahat ng kalbaryo ko. Hindi para sa akin to, kaya sa susunod maingat na ako sa pagpili ng anumang bagay na gugustuhin ko. At isa pang natutunan ko, may talagang dahilan para sa lahat ng bagay. At naisip ko lang, siguro reminder to na kapag nagka-anak ako e i woudn't push them so hard, yung sa tingin kong hanggang sa kaya lang nila. At hindi ako magagalit kapag bumagsak sila, kasi masakit yun. Lalo na kapag hndi mo namamalayan, may nasasabi ka na palang iba. Di ba masarap kapag sinabihan ka ng isang tao na mahal ka niya? No matter what? At 5:13am na. Ang sakit na ng likod ko. I love you sa lahat ng bumasa.Kled 1:59 AM
Tuesday, February 3, 2009
K. tama na muna ang mga walang kwentang, pilit na ginawang blog entry para magkaroon ng laman ang munti kong multiply. Ito na ang update sa buhay ko. Teka lang wait, time check. 4:37AM. SIMULAI think all of us have a busy sched these days, getting tired out, and its already 4:37 am and I want to drop dead on Geliza's bed, pero hindi ko magawa. Ayaw ng katawan ko. Ayaw ng mata ko. Pero alam mo bang hindi lahat ng gising na daig pa ang kwago e normal lang sa tao? Hindi lahat ng dilat sa oras na to nakakakita. Dahil wala naman may gusto na manatiling gising habang pasikat nanaman yung araw na walang ginawa kundi lumitaw ng lumitaw at hindi ka mapagbigyan ng buwan na wag sanang umalis para kahit saglit e maipikit ang matang bigat na bigat na sa kanyang talukap at pilikmata na daig pa ang nalagyan ng ilang patong na mascara? Teka, question mark ba dapat ang punctuation? O eh ano naman ngayon? Haha. Wala lang. Malinaw naman na di ba? Wala pa akong tulog. Pero lilinawin ko pa ulit, dalawang linggo na akong walang tinutuluan ng laway na nakakakilig na panaginip na palagi lang naman nagsisimula sa malawak na imahinasyon ko na pampaantok ko para dirediretso na sa tulog. E paano nga naman, kahit gustong gusto na ng sistema ko na humilata sa kama pero pinipigilan ng utak ko kasi hindi ko na dapat ibagsak ang prelims ko sa lahat ng subject, oo sa lahat dahil kung hindi ako bagsak dahil sa test, bagsak ako dahil sa absences. Kaya dapat lang talaga na mapasa ko ang prelims, kundi lagpas 100 ang kailangan ko pagdating ng finals. KATAPUSANMasaya. No more exams. Yung problema na lang e docufilm na hanggang ngayon e intro pa lang ang nagagawa ko. :( Kaawaawa naman. At kapag minamalas e kami kasi ang unang grupo na magpapakita ng gawa. No more exams. Pero wala na rin akong papasukan next sem dahil bagsakan na po ako. Hindi ko talaga matanto kung bakit ganun na lang kami tratuhin ng mga guro. Hindi ba nila naiintindihan mga sitwasyon namin. Oo, pinipilit kong intindihin ang accounting subject ko at walang duda na mula 9am hanggang 1am kinabukasan e nagaaral ako at nagpraktis magsolve, pero pagdating ng exam e muli nanaman akong sinapian nung Clyde Charlott Mendoza na 4th year highschool na nakatulala tuwing Calculus exam dahil walang masagot dahil walang alam dahil walang notes na naaral at walang stock knowledge dahil hindi nakinig sa discussion at walang magic powers o hula powers pero may natitirang asa powers. Asa para sa himala, divine intervention at himala na bigyan ng sagot ng katabing kaklase. Ang kaibahan lang, nag-aral ako sa accounting, sa calculus hindi. Pero kahit ganun, wala akong nasagot. Wala ring himala at ni katiting na pag-asa na masilip ko man lang ang sagot ng katabi ko. Wala. Hindi ko alam kung bakit ako tanga. Pasensya na, sabihan mo na akong bobo, pero ganun talaga. Akalain mo pang pagkatapos ng madugong exam na yun, tumawag sa akin si Melissa, umiiyak dahil wala rin daw siyang nasagot? Bakit naging ganito ang aming kapalaran? Masyado na ba kaming nagiging makasalanan sa pagging chismosa? At next week, simula na ng katapusan. Natural, ipapamuka na sa akin na akoy bagsakan na at pupulutin na lamang sa kangkungan. No more exams. Goodbye na sa accountancy. WAKASBilang pangwakas, gusto ko lang naman sabihin na isa ito sa mga serious entry ko sa multiply na to. Madalas nga ako mag-update pero kapansinpansin naman na walang kakwenta kwenta ang mga sinasabi ko. Pero sana, sa entry na to e naramdaman mo ang isang matinding kirot sa iyong puso. Oo, alam kong kaawa-awa na ako. Pero kahit ganun, may natututunan naman ako. Sawa na ako umasa. Ginagawa ko naman lahat. At sa kabila ng pagpupumilit ng iba na ayusin ko na ang topakin kong buhay na ginagawa ko naman minsan, napapagod na rin ako. Nag-aaral ako kung kailangan talaga, walang duda dun. Pero ayoko na magpakasakit pa. Nagpapakapanget ako dahil sa puyat, pero lahat ng yun, mapupunta rin sa wala di ba? Sana malawak pangintindi ng lahat ng tao lalo na magulang ko. At natutunan ko lang naman, na dapat sa simula pa lang, malinaw at lagpas 100 porsyento ko sa gusto mong gawin sa buhay para kapag dumating sa puntong dehado ka, marami kang mabibigay sa sarili mo na pag-asa para pampursigi kasi nga naman kung ganun ang sitwasyon, malinaw na gusto mo ang naging desisyon mo at anuman bagay na pinili mo at ayaw mong may maging mali o palpak doon. Pero sa sarili ko, naging mali man ako, extra excited pa ako kasi may katapusan lahat ng kalbaryo ko. Hindi para sa akin to, kaya sa susunod maingat na ako sa pagpili ng anumang bagay na gugustuhin ko. At isa pang natutunan ko, may talagang dahilan para sa lahat ng bagay. At naisip ko lang, siguro reminder to na kapag nagka-anak ako e i woudn't push them so hard, yung sa tingin kong hanggang sa kaya lang nila. At hindi ako magagalit kapag bumagsak sila, kasi masakit yun. Lalo na kapag hndi mo namamalayan, may nasasabi ka na palang iba. Di ba masarap kapag sinabihan ka ng isang tao na mahal ka niya? No matter what? At 5:13am na. Ang sakit na ng likod ko. I love you sa lahat ng bumasa.Kled
The Drama Provider.
Hi, I'm Clyde.
I am the girl who runs away.
032392. Too old and too young for 17.
School:
St. Joseph's College, Quezon City (1999)
St. William's School, Zambales (1999-2004)
Regional Science High School, Olongapo City (2004-2008)
University of Sto. Thomas, Sampaloc, Manila (Present)
Interest:
procrastination, bet, dl, iPOD, one tree hill, gossip girl, blogspot, multiply, facebook, bonding sessions, daydreaming, flirting, friends, hanging out, intellectual conversations, long walks, lyrics, old friends, platonic relationships, poetry, ranting and raving, road trips, starbucks coffee, talking on the phone, trust, frustration, photography, photoshop, moon, psychology, color, chocolate, globe unlitext, being alone, philippines.
She's got her jaws locked now in a smile.
Yyoouukknnooww, it's not easy being lost in space when you're trying to find your place in the universe.
So, with broken wings, I am trying to soar once more, doing my greatest artwork:
my life is my art and my art is my life.
ngunit, ang proseso ang importante...
Sabay ka ba sa akin? Steady lang tayo, kasi boring ang buhay. :*
I've got a secret fascination.
|