ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Wednesday, January 7, 2009
Raises hands up in surrender

Sometimes, living makes no sound.

As the virus creeps up more into my system, I sometimes wish I could just roll over and die.

Maaan, i flunked the 2nd math exam, 2nd envisci exam, 1st and 2nd accounting exam, 1st theo exam, 2nd econ exam. How worse can it get? All that time studying and sweating and still......


Hahaha. Gusto ko na talaga magshift. Advertising? Bus. Management? Architecture? MedTech?
Pero hindi nagrereply si mama. Galit pa rin e. Kung alam niya lang feeling ko. :(( Mawawala kasi scholarship ko pag nagshift ako. Pero hindi na talaga ako masaya e. Hindi ko na kaya. Inggit ako dun sa mga nag-drop na. Yung balance ko nga sa tuition hindi ko pa binabayad e. Kasi umaasa ako na papayagan ako ni mama. :(( Pero ang plano ko, tatapusin ko first year. Tiyaga tiyaga muna kahit butaw theo na feeling major, patrabaho envi sci, malapit na ako ma-FA sa econ, bagsak na ako sa math, at wala pa akong pinapasa sa accounting. Tiis muna. :| Basta, pag na debar ako, hindi ko na tutuloy sa bsma.Cheap dun. Sana maintindihan ako ng magulang ko. Kasalanan ko nga naman at eto pinili ko. Mag-aapply na lang ako kung sakali ng scholarship ulit. Haaaaaay.

Anyway, I want you to post anything in reply to this entry. Anything. A secret, confession, advice, opinion, critique, o ano sa tingin mo dapat kong gawin sa buhay ko ngayon. Paano ko pipilitin sarili ko na pumasok at mag-aral at magtiyaga lang muna dahil patapos naman na rin unang taon kahit ayaw ko na? At kung bagsak saang course ako lilipat? At kung palaring pumasa, itutuloy pa ba para hindi mabuljak ng magulang kahit ayaw na ayaw ko na?
11:01 PM
Blog Entry from my multiply account.

PS: MAGTIYAGA LANG. PAKIBASA NG BUO. SAGOT KO NGAYON KALIGAYAHAN MO. SAKTO PA KUNG NAGPAPAKALUNOD KA NGAYON SA KALUNGKUTAN MO. OKAY BA?

Alam mo kasi kung gusto nating maging fun ang buhay, pwede naman e. Di ba?
Ang kailangan lang namang mangyari e maimbitihan ka ng isang kaibigan, kaaway, kapitbahay, kamaganak, kaklase, o kahit sino pa man na tumambay o magpalakad lakad sa kalawakan ng kamaynilaan at magbakasaling mapadpad sa tapat ng starbucks sabay pilitin na ilibre ka ng kasama pero ilalayo ang iyong mga paa na patapak na sana sa tindahan ng kape na magdadagdag sana ng isang sticker para makakuha ng isang planner na wala lang naman. Syet, dapat na i-apply ko yung turo ng prof ko tungkol sa run on sentences e.
May pupuntahan ka ba? Isama mo naman ako. O basahin mo na lang blog ko? Sabay magiiwan ka ng comment sa dulo? Fun rin yun diba ho? Labas na tayo?

Pero wrong timing kasi talaga e. Dahil may tigdas ako. Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan ako ng panahon. Kasi kung kelan feel na feel ko ng magbago, saka ako magkakasakit ng ganito. Aba! Mahirap magkasakit sa ganitong panahon. Lalo na kung kasagsagan ng exams. Ano pang mangyayari sayo pagdating ng araw na yun, hindi ka pa nakapagaral, wala pang stock knowledge kasi nung mismong araw na nagdiscuss ang prof mu e naimbitahan kang tumambay ng isang kaklase sa library para matulog. Kaya pagdating ng examination, mapapapikit ka na parang si Hiro Nakamura na tipong gustong mateleport sa heaven para itanong kay San Pedro, "Yo St. Peter, Where the hell did the answers go?" Hahaha. Natatawa ako. Pero alam mo ba nararamdaman ko ngayon? Ang sakit ng mga kamay at legs ko. At ang dami kong bukol sa batok at singaw sa gilagid. Hindi ko alam kung epekto ba to ng kabulakbulan ko at isang parusa ng diyos (patawad na po) o epekto ng tigdas ko. Basta parang naninikip dibdib ko na parang lalagnatin ako. Wag naman sana..... Ready na medical certificate ko para sa econ prof ko na sa record niya e 5 na ang absent ko samantalang sa record ko e 3 palang. Ngangu no? Pero basta. Sa panahon ng crisis, BAWAL magkasakit.

Sa kabilang dako, gusto kong sabihin na kahit ang panget ni dan hindi ko alam kung bakit nagiinit ang ulo ko kapag hindi niya ako tinetext. Kahit ako yung tamad. Haha. Ang labo. Tapos sa kasamaan at kabutihang palad, nag hang ang cp niya. At tuluyan na atang nasira sa mga oras na to. Kasamaang palad, dahil hindi ko alam kung kelan ulit yun magteteks. Kabutihan, dahil walang wala ako sa mood at sobrang tinatamad ako at tipid sa load. Pero kanina ay inutusan ko siyang ipagawa yun. E ano ba naman ang 200 worth of pampagawa ng cp, kung kapalit naman e mahigit 100000000000000000000000 na mga hataw na nakakakilig? Hindi ba? Hahaha. Yuck. Nagdilim paningin ko. O.O

Nasabi ko lang naman, e kasi sa panahon ngayon napansin ko na pagdating sa love e parang lahat ng kakilala ko nagiging emo. Kahit wala silang bangs na tumatakip sa mukha nila, pag tinamaan ni Kupido, asahan mo ng makakatanggap ka ng hindi mabilang na gm na ang gusto lang naman iparating e "Tangina mo, bakit mo ko ginago/iniwan/pinagpalit/pinaglaruan/. Saan ako nagkulang???? T.T T.T" "Anong magagawa ko kung pang tropa lang talaga?!!" Naisip ko tuloy, sa panahon ngayon, wala na sigurong naniniwala sa everlasting love. Kasabay ng pag-inog ng mundo, at pagka-emo ng mga tao, minsan nagbabago pananaw ko pagdating sa pagmamahal. Yuck. Ang korni ko. Pero kasi nakakasawa na yung mga kwento. Lahat naman pareparehas kinakahantungan. Ewan ko. Siguro ako maswerte sa ngayon, hindi pa niloloko kahit hindi siya gwapo at di ako sigurado kung may future akong mansyon. E kasi bakit kapag may lumandi syo, bibigay ka. Tapos lalandi ka, e ang motibo mu rin lang e manloko. Haaay. Ang love ba temporary lang? Binabase sa chemical reactions ng katawan? Bat naman ganun? Tapos kapag nawala na ang attraction, wala na. Haha. Tapos may mag-aapply na rebound guy, tapos paulit ulit ulit lang din. Di ba??? Kaya ang magandang gawin ngayon, kilatisin ang mag aapply sayo, at tumakbo sa ever at magpahula kay madam auring at itanong kung may magandang future na nakahanda para sayo kapiling ang nilalang na yun. Oks ba? O kung papairalin mo lang din palagi ang katangahan mo, tumigil ka na sa parteng ito ng blog ko. Pis sabay hug. Oo pis. Hindi kiss.

At sa ngayon, bigla kong naisip kung maganda ba tlaga dito sa tinitirhan naming apartment. Kulong siya. O tamad lang kami gumala. Puro tindahan. Puro mahal ang tinda. May videoke na minsan nambubulabog ng katahimikan. Isa lang ang pinakamalapit na internet shop at sa kasamaang palad e mahal ang singil kapag nagpaprint ka. Kaya iisipin mo na wag na lang gumawa ng assignment at ipambili na lang ang pampaprint ng pizza. Pero ang masaya, maganda dito sa bahay dahil paglabas ko ng kwarto e may chichibugin ka. Kaya pala napipilitan ako ngayong mag-dyeta, parang reincarnation ako ng isang palamuning baboy. Ang saklap. Pero may mga araw na natitira na pakiramdam ko ang payat payat ko. Ang yabang ko nga ata pag ganun. Saan ko kaya nahuhugot yung yabang na yun? Tapos pag pinansin na ang taba na ng braso ko, magmumukmok na parang nabangungot. Ang saklap ano? Bakit kasi hindi nalang naging parang REALITY BITES ang buhay? Para hindi nagddrama mga tao.

O sa puntong ito, malungkot ka pa ba? Sana hindi na. Magpapasko na nga e. Naniniwala ka ba kay Santa? O di mo lang feel na 5 days na lang e paskuhan na sa Uste, at 11 days na lang e Pasko na tlga? Ha? Ano, di ka parin excited? Wag kaaaaaa ngaaaa. Ang kj mo naman. Pilitin mo maging excited. Alam ko na dumarating yung mga eksena na sobrang kakaibang feeling ang naguumapaw sa dibdib mo. At sobrang taas ng anticipation mo at expectation. Pero pagdating sa totoong eksena, sasabihin mo na lang na "huh, eto lang yun?!". Oo. Kahit siguro ngayong pasko, medyo ganyan pakiramdam ng mga tao. Siguro dahil sa pabagsak na ekonomiya ng pinas e hindi na exciting ang pasko. Siguro dahil wala ka ng bubuksan na regalo. Pero kahit ganun, sana excited ka pa rin. Kasi may mga tao na ni minsan e hindi naramdaman ang feeling ng excited di ba? O mas masaklap nu? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ramdam? Wag. Masaya pa rin naman. Nagbadya na kasi ang malamig na hangin. Mas masarap ang tulog. Pwera na lang kung may iisipin kang recitation kinabukasan. Pero pakasaya pa rin. Dahil ang december e para sa pasko. January para sa bagong taon. At ireserba na ang ibang buwan para sa pageemo. Haha.

Pasko! Pasko! Sana kasi may matanggap akong regalo. Haha. May isa naman ng sure. Yung ibibigay nung nakabunot sa akin na kblock ko. Pero bukod dun, siguro masaya pa ang pasko kasi ang daming pinagbago ng buhay ko ngayong 2008. Oo. Naging gago ako. Hahahaha. Joklang.

Ang bilis kasi ng panahon. Kelan lang wasak ang puso ko yung tipong di ko kayang tanggapin ni April Boy. Kasi grumaduate na kami. At sa ngyon wasak pa rin siya, kasi ang hirap pala mag college. Ang madali lang e makaipon dahil kadalasan e maraming kick back ang mga loko. Hoho. Pero isinasantabi ko ang lahat ng reklamo ko tungkol sa kurso ko para sa ikakaganda ng blog ko. Kasi ngayon, tinitingala ko ang patapos na taon at ang papasok na panibagong taon. Kahit wasak ako ngayon, tuloy tuloy lang. Kahit wasak katawan ko ngayon, pipilitin na pumasok. Kahit wasak ang isip ko, magrerebyu para sa departmental exam. Sa madaling salita, kahit wasak na wasak ka na, tuloy lang. Ganun talaga. Dapat kasi balanse ang buhay. Parang panatang makabayan. Balanse sa isip, sa salita at sa gawa. Bukod dun, ipagpasalamat din na ngayong taon, kahit medyo hindi maganda nag love life mo, sana matuto na ipagpasalamat na sa awa ni Lord e ang pamilya natin e okay ngayon taon. At maraming naging dagdag na butaw sa mundo. O diba? Marami namang mga bagay na pwedeng ipagpasalamat at ikasaya. Parang palagi na lang kasing iniisip e mga kaemohan. Yuck. Hahaha.

Sana lang talaga magbago na ako,kahit hindi ko makuha yung planner ng starbucks dahil ubos na ubos na pera ko sa ngayon e magawa ko lahat ng plano ko. Alam naman kasi natin na wala akong pasensya. Nasa pananaw ko kasi na ang pagdedesisyon sa buhay ay case to case basis. Sa ngayon wala pa akong formula na nabubuo sa takbo ng utak ko pero medyo napansin ko na, na walang oras sa isang araw, walang araw sa isang linggo na hindi ako totopakin. Yung toyo ko kasi yung parang nagpapasaya sa buhay ko e. Yung parang nagpapaextra ordinary sa boring kong buhay. Ganun din ba sa inyo?

At sa puntong ito. medyo nakalimutan ko na malapit na ako ma FA sa econ at hindi pa rin ako nagaaral sa envi sci at sa accounting at hindi pa ako gumagawa ng hw sa econ at nagbabasa sa theo para sa recitation. Kasi nung simulan ko tong blog entry na to parang nashut down yung utak ko. Parang pagkaupo ko automatic lasing ako. Ang dami ko na atang nasabi at parang ang talino ko ngayon. Ang rami na nga ata talaga. Nonsense. Emotional. Katangahan. Ang dami kong natype. Yung iba mga bagay na pinagsisisihan, mga ginagawa, madalas mga ka-oa-han. O parang wala lang.

Basta. Ang active ata ng utak ko ngayon. At at at at nagvibrate ang cp ko. Parang gaganahan ako magtext, at hindi ko alam kung bakit sa puntong ito e gusto ko na tapusin tong blog na to, dahil narealize ko na na.......

ang corny ko.....

so kung binasa mo to ng buo, salamat sayo. sana napangiti ka kahit naimagine mo ako ng mukhang gago habang tinatayp to.
10:59 PM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>