Saturday, December 6, 2008
TANGINANG TAXI DRIVER YUN!
TANGINANG TAXI DRIVER YUN!!!
Muntik na kami mamatayni kim kanina. Muntik na kami ma-rape. Bale. Muntik na kaming marape at mamatay. Putangina.
Ang saya saya pa namin habang palabas ng trinoma e dahil nabili namin lahat ng gusto namin. Sabay yung masasakyan naming taxi e masamang nilalang pala.
Ganito kasi.
Di pa man kami masyadong pamilyar sa mga daan pero obvious na obvious na sa maling daan niya kami dinadaan. Pero alam namin na out of the way na yun. Lingon pa siya ng lingon sa amin kanina e, kaya nahalata namin na parang di normal kilos niya. Sabay nung nagstop yung taxi dahil traffic, napansin namin na may kinakapa siya sa pwet niya.
NAKITA NI KIM. BARIL.
pero hindi niya sinabi dahil alam niyang nenerbyusin ako at baka mag freak out lang ako. Tama naman ginawa niya. Sakto naman na tumawag mama ni kim, pero hindi namin pinaalam sa mama niya, pero siningit niya na lang to "Mamaya na po namin sasabihin yung thing na taxi" Pero di niya talaga alam yung totoong nangyayari.
Tapos parang nakahalata yung driver. Hindi siya mapakali. Tapos etong si kim ang tapang, kunwaring tinitignan niya kung magkano na yung babayaran sa taxi. Pero ang totoo sinilip at tinitigan niya yung baril sa may pwet ng driver. Tangina. Pero hindi ko tlaga alam na may baril, pero napapansin ko talaga na may iba sa driver.
Hindi siya mapakali. Kung saan saang kanto niya kami dinadaan. Dumaan pa nga sa one way dahil siguro kinakabahan na siya na alam ni kim na may baril siya. Tapos ang creepy niya. Kumakanta kanta pa siya ng jopay "Dadalhin kita sa aming bahay blablabla" Tae.
Tapos nga pala nakalabas lang yung payong ko kasi un na lang pwede kong ipanghampas saknya. Tapos kung saan saan na daan pa rin. dumaan pa nga kami sa may riles. Basta halos lahat e wala msyadong tao.
Super naghihinala na talaga ako. Alam ko na may sumthing talaga na kinakapa sa may pwetan niya e. Kala ko naman kutsilyo. Puta tlga. Medyo nahihimasmasan na kami nung bandang dapitan na pero dahil traffic, natakot pa rin kami. Hawak pa ni kim yung pinto para kung sakali e tatalon na lang kami palabas.
Tapos tanong siya ng tanong kung saan kami bababa. Kaya sabi na lang namin sa Uste na lang kasi mamaya matandaan niya pa yung bahay namin. Tapos yun, di pa rin siya mapakali. Tinatap niya yung window. Kung ano ano gnagwa. Kumakanta. Tapos kapag maguusap kami ni kim, hihinaan niya yun radio tapos papakinggan kami. Pota talga.
Tpos nung sa uste na, dapitan gate, tinuro namin na dun sa tapat ng mga security guards ibaba. Nung una parang ayaw niya pa e, tapos biglang parang ambait niya, sabi pa maam dito na kayo bumaba. Tapos yun natakot pa nga ako pagkaabot ko nung bayad kasi mamaya hilahin kami!
Takot na takot kami ni kim. Saka ko lang nalaman nung bumaba ako na baril pala yung kinakapa niya! Putangina! Buti na lang din di niya sinabi kasi baka sumigaw lang ako, mas lalo pa kami anuhin nung mukhang rapist na taxi driver na yun!
Hindi namin nakuha yung plate number nung taxi. Pero alalang alala ko pa yung mukha niyang mukhang rapist!
Ambilis namin naglakad pauwi ng espanya sa sobrang kaba at takot.
Grabe nakakatrauma talaga.
Hindi na talaga kami lalabas ng dalawa lang kami. At ayoko na mag taxi. Wag na daw kami lalabas ng walang kasamang lalaki or yung dalawa lang kami ni kim. At hindi to alam ng mga magulang ko! Hindi nila pwede malaman!
Yun. Salamat sa lahat ng naging concerned. Tska ang sweet ng bestfriends namin ni Kim. Tinawagan siya ni rj. Ako tinawagan ni Jio, landline pa gamit e. Haha. Katouch.
Ayun, wag na magtaxi. At doble ingat. Haaay.
4:55 AM