Tuesday, August 26, 2008
PATAS DAPAT. DAPAT PATAS.
Binigay na prelim grades sa management at philo. Na naging dahilan kung bakit wala akong kasing badtrip ngayon. Putangina.
Hindi kasi ako natutuwa sa sistema nila. Una sa lahat, parang napunta lang sa wala lahat ng kasipagan at oras na binuhos ko para mag-aral. Pangalawa, matataas scores ko sa quizzes pero dahil lang sa prelims mahihila yung dapat sanang mayabang na grade. Hindi naman sa mayabang, pero sana yung grade na katuwatuwa naman.
Ganito kasi. Dahil marami kami sa college, natural lang na iba iba professor di ba? Kumbaga, swertehan lang yan. Kung matapat sayong prof e yung basic magpatest, yung tipong 20 item quiz lang dahil madalas na hindi pumasok o kaya naman hindi nagpaparecitation. Yung mga ganun.
Naisip ko lang kasi na unfair sa part namin. Ay mali, malas lang talaga kami.
Dahil natapat na mga prof sa amin e yung bawat quiz 100 items agad at ang masaklap pa mahirap kaya wag kang magtataka kung kalahati o mas mababa pa ang makukuha mong score. Yung mga prof na araw araw at ginagawang malaking percentage ng grade ang recitation na halos mabobo ka na matorete sa kakabasa mo ng libro para palagi kang handa kung sakaling matawag ka para tumayo sa gitna ng klase at sumagot ng katakutakut na mga tanong.
Parang wala kaming pinagpapaguran.
Kahit ba naman sabihin natin na departmental ang exams sa mga subject na may mantaining grade na 2.5 e parang wala lang yun kung mataas ka at lalong dehado ka kung bagsak mo kasi iisipin mo na ang swerte nung iba na madali mga quizzes kasi pwedeng pwede na mahila grade nila dahil paniguradong matataas sila sa exams.
Swertehan talaga. Kahit ba naman i base sa realidad, na totoong studyante ang gumagawa ng grade e malaking factor ang tipo ng pagtuturo ng professor.
Ang hirap sa Alfredo M. Velayo College of Accountancy. Matira matibay dito. 23 sections ngayong first year. Sana pagdating ng 4th year na 10 sections na lang ang natitira e palarin akong makasampa.
Wag ko sanang maisipang mag-shift sa ibang course. May finals pa naman. Sana swertehin para naman mahila mga grades ko. Hindi naman ako bagsak. Pero sa estado ng prelim grades ko, parang hindi ko masabing 4am ako natulog para pagaralan yung lesson na to.
Yung mga ganung bagay.
Gusto ko lang naman sabihin na sana, patas ang sistema. Para ang maiwan sa huli... E MGA HASA.
Ansarap sigurong maging CPA sa hinaharap. Pera to mga kababayan.
3:50 AM