ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Saturday, June 28, 2008
Nadukutan ako sa trinoma.

taena. kanina nag blog pa ako na ang saya ng araw ko bago kami umalis, ganun pala mangyayari sa pupuntahan namin.

ganito kasi yun, yung pinsan ko na galing thailand e imimeet ko raw sa trinoma, e di ko pa kaya pumunta dn mag isa, kaya nagpasama ako ke mai at kim papunta dun. e sagot rin lang naman pala kami ng pinsan ko.

ayun, ayos naman papunta, taxi lang.
pagdating dun super dami ng tao.
tas nakasama na namin pinsan ko kasama kaibigan niya.
na shock pa nga sila ke kim e, sabi "ay may tisay"

haha. tas yun lakad lakad ikot ikot.
nagpalibre kasi ako sa pinsan ko dahil mapera siya ngayon.

pagktapos ko magpalibre, humiwalay kaming tatlo kasi bibili raw ng damit.
napadpad kami kung saan saan kasi di makapili si kimoy ng bibilhan ng damit.

madami ng kaming naikutan, hanggang sa mauwi kami sa people are people.
naghahalungkat kami ng mga damit, tas may napili na ako. susukat ko na dapat at sinabihan na ako ni mai na punta ng fitting room.

pero ewan ko kung bakit hindi pa ako pumunta nun.
tapos halungkat pa rin kahit may napili na ako.
sabay sukat na, ayos naman.
pagkalabas fitting room, bayad na dapat.
sabay kita ko wala na sa bag ko yung wallet ko.
e di nag panic ako, kasi lahat ng pera ko nandun, at wala na ako pambayad sa bibilhin ko.

umutang muna ke kimoy, kasi gusto ko talaga yung blouse.
habang papunta sa pinsan ko, super nanginginig ako kasi natakot at nashocked talaga ako sa nangyari. nagalit nga pati nanay ko at super nag aalala sila sa akin.

tas yun, pinuntahan na ulit pinsan at pinalitan niya yung perang nadukot sa akin at binigyan kami ng pangkain.

at dahil late na, take out na lang kami sa burger king.
pauwi nag abang ng taxi.
at ayun, safe naman na nakauwi.

at least hindi ako napano di ba. materyal na bagay nga lang yan. pero nakakatrauma.

sabi ko wala na yung wallet ko, at nakakahinayang yung mga hs id ko,wala na ako remembrance sa rs,tska yung mga ibang letrato pa dun na wala na akong ibang kopya.

sabay nung kumakain ako sa bahay, nagtext mama, tinext daw siya ng people are people sa trinoma. dun nga. nakita daw wallet ko sa lamesa dun, at bente na lang laman.

ayun, sabi ko na nga ba. yung babaeng super sinisiksik ako habang naghahalungkat siya ng damit,at nakapagtataka kasi nga super siksik siya e ang luwang luwang naman. at isang kamay lang gamit niya habang halungkat damit. taena, bat di ko napansin. antae tlaga.

kaya yan. lesson learned. magingat sa susunod at wag magdala ng malaking pera pag gumagala. wag ilagay ang atm sa pitaka at kung maaari wag ng mag pitaka.

haaay, nakaka trauma. pers taaaaaym. pers taym gumala ng malayuan, nadukutan naman.

anyway, salamat sa concern ng mga nagtext. lalo na kila son at chai at meh at clarissa at valerie at jio at sa iba pa. andami kasi nagtext e. haha. kayo a, nagaalala pala kayo sa akin.

at sa lahat ng blockmates ko na chineck pa kung nakauwi na ako. wow. bait niyo.

at kay miggy! wow, special mention!
sabi niya kasi "Kailangan mo ba ng pera? Sabihin mo lang kung kailangan mo. Ingat ka na lang sa susunod. Malamang kasi body bag gamit mo tapos nakalagay sa likod mo."

Haha. Wow.
Lesson learned talaga!
Kaya kayo, mag-ingat sa mga mandurukot.

Labing isang buwan na pala akong mayumi.
Sabay next week puro test kaya todo aral ako bukas.
Pero sa wednesday at thursday, recollection, walang klase.
At sa saturday walang pasok. Kaya makakauwi ako.

Wala lang. Nasingit ko lang.
Magingat kayo mga butaw sa mandurukut.
8:34 AM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>