ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Monday, May 26, 2008
Usapang banyo, tae, ihi atbp.

Bale sa title pa lang, kitang kita ko niyo na siguro ang highlights ng medyo nakakatawang post na ito.
Martes, ika-19 ng pebrero, wala naman bago sa madalas na nangyayari. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumasok akong nalanghap agad ang mabahong amoy galing banyo. Anak ng tinapay. Napaka goooooodmorning naman nun. At dahil wala si maam sidon, at maaga kami palagi dumadating sa school, kaya damang dama namin yung malamig na hangin, naabutan naming nakalock ang room. Wala lang naman, gusto ko lang sabihin, at di naman importante yun. E kasi naman, wala na akong maalalang nangyari kaninang umaga bukod sa bumili ako ng e-aji at c2, wala pang 7:30 siguro. Gutom ako. Pero junkfood agad. Tapos nun, matagal tagal akong nagabang sa emis para magpaxerox ng mi ultimo adios kasi sabi ko kelangan ko ng magkabisado nun, pero hanggang ngayon e yung first line pa lang sa first stanza sa more than 20 stanzas ang kabisado ko. Tas, p6 lang, yung arawan na pagsagot para sa timms. Tas break, tambay sa labas, ilang oras hintayan kasi walang ingles. Kaya kwentuhan at butawan lang. Tas nung calculus lang, nangopya lang ako sa timms paren. Butaw talaga. Tas nag caf lang muna, bago social, bumili ng yema, tas tinawag ako ni jio na P***** Negra. Shit. Umiiitim ba ako? At nung social, nagreport lang ako ng tungkol sa family planning na habang nasa harap ako e naririnig ko si jayson at regina na nagbubulungan nito, "Umitim ba si Clyde?" Hmm. K.

Tas lunch na, dali daling pumunta ng sped dahil umaasa akong may siopao dahil bigla kong naisip na gusto kong kumain nun. Pero wala. Wala. Wala. Kaya balik na lang sa tapat ng room, tambay. Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat biglang dumating si june. At nakitouch ako sa siga at mayabang niyang ipod touch!! Shit. Mayabang tlaga. Hanep yun, at gusto ko ng ganun. Share share muna kami june. Tas pagkagaling namin sa caf e inangkin ko na muna kasi pa court naman na siya, tas kami na ni pat yung nagshare. Tapos tinamad na ata si pat kaya pumunta na lang kami sa bench sa labas at dun tumambay.

Dumating si Julio Antonio.
Nag-aya sa sped, bumili kami ng tig-6 na kikiam, c2 at yema. At utang nia yun. 34 pesos. Pagbalik namin e nagpatugtog si Jam ng mga chris brown. Basta kaindak, kaya nagsasayaw si Jio habang iniinggit namin sila sa kinakain naming yema.

Tapos.
"Si et. Yung kras ko. [sabay tingin kay tj]"- ako
"sino? yun? [sabay turo]"-jio
"oo"-ako
"[pasigaw] oy tj! kras ka daw nia! clyde charlott mendoza, iv-pt"-jio

At naghabulan kami ni julio. Butit talaga yung mokong na yun. Maloko talaga. Walang patawad. At dahil mabait ako saglit na takbuhan lang ang nangyari kasi butaw ren si jio, kasi sasabihin lang niya, "Nagpa-pulpitate ako."

Patuloy na nagpapatugtog si jam. At patuloy na nagsasayaw si jio. Tapos nagsimula ang usapang ihi, tae at banyo. Mahirap ikwento dahil karamihan dito e pagdedemonstrate. Kung pano tumae si jio, pano umihi ang mga babae at lalaki, at kung paano nanginginig ang mga babae habang umiihi. Totoo naman di ba?

At napansin namin ang mga langgam sa paanan ni jio.
"Jio nilalanggam ka" - vance
"Ay unga ano"- jio
"sweet ka raw kasi e"- pao
"Bat ako di nilalanggam?"- jam
"kasi di raw matamis yung mga dagta" - ann
Tas tawa na kaming lahat. Tas inapakan ni jio yung pagkain na hila nung maraming langgam.
"uy, wag mong tapakan, ang sama mo"- ako
"unga ansama mo" - jam
"hahaha. yan. makinig sa mother nature" - vance
"e bkit minsan, sila kinakagat tayo, di naman natin sila inaano" - jio

Tas tawa na lang kami. Haha. Nakita niyo na kung gano kabanuy si jio ne? MAs nakakatwa kung andun kayo. Nakita na namin papasok si Maam V. naisipan mag cut, pero wala lang. saglit lang ren naman e pinatawag na kami for cotillion practice, pero dahil mabait kami, nag quiz muna kami.

Tas practice na, thrice lang ata yun, at katamad talaga kaya lakad lakad lang. Tas pagkatapos e break, nagpunta sa caf, nagbulyawan kami ni julio dahil sa utang kaya sinumbong ko nalang siya ke dan na tinawag niya akong p.negra kaya na-eggbeat siya. Tas dinaanan yung bag ni dan sa room nila. Tas tambay sa mangga, butawan at nakitouch sa sigang ipod ni june. Sabi ni dan, graduation gift niya daw sa akin ganon, ay nirequest ko pala. Pero malabo, kaya pag nagkatrabaho na lang siya kako. Haha.
Tas tambay lang sa stage habang si jio e nantetrep kasi patago niyang tinatapat mic sa mga tao kaya magugulat ka na lang kung narinig mo na nagecho boses mo, tulad ni maam tagulao. At korni man o nakakatawa e nagbubulungan kami ni dan ng ily nun, paulit ulit at maraming beses. Haha. Mukha kaming timang, pero wala, bumabawi naman kasi ako e.ÜÜ
Binuking ako ni maam grace tungkol sa hd ko sa kanya nung terdyir. Kaya binuking ko naman si pao na may thing sila ni june. Ayon, pasa pasa lang yan.
Tas start na yung practice, isang beses lang, wala si Fordan, kaya ke pons muna ako. Wala lang naman. Haha.
Tas pagkatapos e palabas na lang kami e nabulyawan pa ni Maam Grace si dan, "Kung advisory class ko pa si Clyde, lagot ka sa akin. Nakakailang akbay ka na." Haha. Tawa na lang kami.
At muli kaming tumambay sa mangga. Una, kami nila miggy at june nagkwentuhan. Kalokohan ano pa nga ba. Tas iniwan kami ni dan tas kinwento niya yung tungkol sa pigsa, pimple, kabayo, batis, ilog, bukid, kalabaw. Hahahaha.
At dumating sila jam. Kantyawan. At aasarin sana si Mai tungkol sa sayaw niya nung grade six, kasi di malala ni dan yung tugtog. Tas nagtago kami ke prudy kaya sa bench sa may euclid tuloy namiin.
Habang naglalakad e sabi namin ni dan e magbaballroom dancing kami sa bakasyon. :D Seryoso haha.

Tas upo na sa bench. At ganito.
"uy talo daw si ong" - ako
"ohhh. katext palagi [sabay tingin ke ann]" - jio
"Ano ba laro nia?" - chai
"Javelin?"- ako
"tanga, shotput"- jio
Tas may sinabi si dan na natawa na lang kami kasi bigla na lang siya sumabat sa eksena ng di naman alam pinaguusapan.

Tapos.
"dan ang itim mo![ sabay tutok camera]"- ann
"unga e, kahiya ke ana ferriols" - ako
"hahah, kakulay mo panyo ni clyde"- ann
Tas tawa na lang kami.
"ano ba kasi masama sa pagiging maitim?"- dan
Hahahaha.

Tas singit si julio. Kaya simula na naman usapang banyo.
"Paano kayo tumae?" - jio
"Si dan daw nakataas paa sa toilet bowl. Hahahaha."- ako
"Ows?"- chai
"Oo. Hahaha" - dan
"kadiri ka dan!" - mai
"Paano kung magiba yun?" - jam
"Magiba? Paano magigiba?"- dan
"E pano kayo maghugas?" -jio
"Hahaha."- dan
" Sa likod."- ako
"haha. Ako ren sa likod. si dan kasi sa ano e."- jio
"San? Sa hrap?"- ako
"Oo. Hahahahah"- dan
Tas tawa kaming lahat.
"Kadiri ka dan!" - mai
"si mai kasi patagilid e. may poise kasi siya"- dan
Tas tawa nanaman.
"E bakit di pwedeng umihi ng nakaupo mga lalaki?"- jam
"E kasi gaganun[sabay demonstrate]"- dan
"hahahahahah!'- ako
"Ahhhhh. Gets."- Ann
Tas tawa kami nanaman.
"Kaya nga ginagamitan kamay e, tas hugas hugas." -jio
"Bat di ba kasya pag nakaupo?" - jam

Tawatawatawatawa. Tas natapos na. Hindi yan yung sakto, pero kung kasama ka lang talaga sa usapang yun e matatawa ka.
Sigurado akong bukas e matutuloy nanaman to, kasi si jio at dan ba naman, siguradong papasok na naman tong usapan na ito. Maiba ako, may practice p ba bukas? Kasi ayoko na talaga ng chem. Haha. Nagquiz nanaman sila kanina. Wala nanaman kami. Kaylangan ko na tlga ng tutor.

At yun. Usapang banyo. Tae. Langagam. Ihi. Bulunga. At kahit ganon usapan, e hindi naman naging tae ang araw na ito. Ang saya nga e. Bukas ulit. Ayos na yun di ba. Yung wlang butaw. Kasi sabi ni pat kanina, 26 days na lang daw kami sa rs. :|
Kaya yun, pakasaya lang. At sige, bukas ulit. Nagddownload pa ako ng kanta ni chris brown at T-pain. Nahahawa ako sa indakan.

Grabe. I love high school. :D:D:D
Kung pwede lang may high school part ii.
12:30 AM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>