ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Monday, May 26, 2008
Scholarship Admissssssion Test

Last friday I took the PAGCOR Scholarship Admission Test. Dun nagwowork papa ko. At bawat empleyado na may anak na incoming college freshman e may chance na kumuha ng exam basta di bababa yung average sa 88. So kumuha ako. Nagrequire sila ng essay, tas pinasa yung report card. Akala ko yun lang kaya pabanjing banjing ako. Yun pala may exam pa. Haha. Nationwide yung exam. Bawat branch ng Casino Filipino sa buong pinas e magpapaexam nung araw na yun. Sa branch sa gapo e 7 kami na nagtake.
Isang oras bago yung exam e nandun na ako. At habang naghihintay ako, may isang lalaki na tumitig sa akin. Sabi niya, "Ay akala ko candidate ng Ms. Pagcor. Sasabihin ko sana na magpamake-up na siya" Haha. Natawa ako. Sakto kasi na pictorial nung mga candidates.
So yun, pumasok na kami sa VIP room. At yung lamesa namin e lamesa na pang-poker. Haha. Nakakatawa. At super lamig.

Yung test naman. It wasn't as long as I expected to be though. 60 items lang siya. At 45 minutes mo lang kailangan tapusin. 10am nagsimula. Tig 10items yung sa Math, Science at English. Nadalian lang ako sa science at english. Pero sumakit ulo ko sa math kasi walang scratch. Crap tlaga! Tapos yung sa huli, halos sabunutan ko na sarili ko. Kasi identification! Yung tipong, anong batas ang pinatigil sa South Africa nung 1989? Ano tawag sa pagpatay sa pusa? Ano tawag sa mga butas sa Swiss Cheese? Ano gamit ng gladiator bukod sa spear? Mga ganon. Nablangko talaga ako at halos maiyak kasi unti lang yung time ko para magisip. At halos 20 minutes nga ako nagisip dun sa kung ano yung twag ke Charles the Great at kung ano yung nagiisang word na nagsisimula at nagtatapos sa "und". Crap! Super nablangko ako na pati sa tanong na anong element ang nagsisimula sa K e nasagot ko Potassium imbes na Kyrpton. Crap.

Natakot ako pagkatapos. Ininterview pa ng kaunti. Yung mga kasama ko parang di nahirapan.
Pff. So sa 10items na math, wala akong chance na maka 5 man lang siguro dahil nahilo ako sa mano mano. At sa identification... Ayy wag na lang natin pagusapan.

Still, I'm hoping na makuha ko yung scholarship kasi dagdag allowance din yun... And sana naman this time palarin na ako.. Kasi sa lahat ng entrance exams pumalya ako... Haha..

Amen.
12:39 AM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>