ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Monday, May 26, 2008
Naispatan ng de oras

Simula lunes eh wala na kaming ginagawa, kinukumpleto na lang namin yung mga requirements bawat subject para maayos na yung clearance at grumaduate na. Nagkokomyut na ren ako ngayon kasi wala ng serbis at talagang nakakagutom mag-komyut, di kami sanay ni ann, kaya pagdating sa school e magyayaya ako agad sa caf. Wala lang. Para lang may intro.
Dahil wala nga kami ginagawa, nauso nanaman ang pasugalan, yung tipong kanya kanyang pwestom kanya kanyang bilog, at syempre kanya kanyang labas ng pisong pantaya. Haha. Kahit wala kaming pera dahil sa rami ng binabayaran ngayon, pag nagkayayaan ng pusoy dos, e dehado talaga laman ng wallet mo. Yung tipong, "oy tara pusoy tayo!", "saglit, magpapabarya ako!". Ganon. Yung mga kawawang hindi nakakasabay sa takbo ng buhay ng mga nagpupusoy, e nakatanga, tambay, nagpapakyot, o kaya naglalaro nung laos nang tongits. haha. Peace! Syempre, nasa mga nagpupusoy ako. At lagi akong tinatabla ng mga kalaro ko. Si em at jerry at son at kamil at dan. Mga butaw kayo. Pero dahil praktisado na akom medyo nagyayabang na rin ako. Yung tipong, "uy tira ka na, itim ang pyesa mo, at dos na pula ang hawak ko" Haha. Ganyan lang. Parang casino. At para dun sa mga mayayamang taong hindi ko maabot, ayun, kanya kanyang bayaran sa monopoly. Haha. Basta, jan lang namin halos inuubos oras namin. Sa pusoy, tambay, monopoly, hindi sa pagpapapirma ng clearance. Ü.
At kapag tinamad na, automatic na ang kasunod nun e, yayaan sa pagbaba. E kung bababa ka naman, saan ba ang susunod mong pupuntahan? Sa walang kamatayang pc genius o kung may pera ka pang pangkain, e sasaglit ka mung sa wala reng kamatayang mcdo. Haha. Nagsasawa na ako. Totoo. Kahapon nga lang, pamatay oras, e naglaro na ren ako. Tae. Ano bang napapala sa mga halimaw sa dota at mga poporing sa ragnarok? Nakakabano. Pero pero, kahapon, medyo naging nakakagulat at naging kakaiba araw namin. Eto na yng totoong kwento. Ü.
Nung lunes, dinalhan ako ni dan ng pagkain, siya raw kasi nagluto non, kinain ko. Wala lang. Singit lang, pero ang gusto ko talagang sabihin e, nadatnan kami ni Sir Balois, na wala lang naman, nagkwekwentuhan. Tapos, pagdating ng martes, nag-ikot si Maam Daduya, kinolekta niya yung mga cards, at at... "bawal pda!" haha. Sabi niya. Natamaan kami kasi nadatnan nga kami ni Sir, at dahil oa ang mga teachers, asahan mo ng habang pinapasa ang kwento e nadadagdagan mga detalye nito. Kaya nabadtrip ang lahat. Kaya bumaba na kami. Pero bago pa man kami payapang makababa e, nagtago muna kaming mga takot ke Maam Sidon, nangultap kasi siya, at nagtago na rin kami ni Chai, kasi siya bagong kulot. Ako naman e baka mabulyawan ren. At nung bumalik na siya sa lib, ayun diretso na sa van.
Pagbaba, ayun naglaro na kami. Kasama ko si Chai. At sympre dahil madali kaming magsawa, e umorder muna kami sa chowking. Ang nakakatawa lang naman dito e, naidala naman sa genius star yung number namin sa chowking!
At dahil may konek si justin at chai sparkspark, nauna na sila at jumuno.Ü Haha. AKo? Naiwan. Nakatanga. Nabibingi sa tugtog ni June. Palakadlakad. Pa iced tea iced tea. Pa upo upo. At dahil bawal na ren maglaro si dan, naglaro kami nung nilalaro sa kamay. Basta yung nakakatuwa. .. Habang hinihintay namin si Meh, Ann, at Lay... tapos.....
12:34 AM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>