ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Monday, May 26, 2008
Naispatan ng de oras, totoong kwento

Eto na talaga yung mga kagulatgulat ng mga pangyayari.

Mga kasama: Clyde, Meh, Lay, Ann, Dan, June, Miggy, Jerry, Pons, Homer, Raymond, Gian.

First stop: Sa baba ng pc genius. Wala pa kaming pinapatunguhan. Plano plano pa. Tas nagsimula na silang maglakad. Buti na lang.

Second stop: Ministop. Kanya-kanyang hawak ng ice cream, ng nescafe ice. Kantyawan sa mga pinagsasabi nilang apa. Na hindi ko magets. Kasi bastos ata. Laro laro nung sa kamay. Natapon ice cream ni Lay. Kwentuhan. Tawa. Nakita at tinitigan ang isang babaeng masculada. Yung tipong pagkadaan sa harap mo e "ano siya? lalaki? o babae?" Wala lang naman. Nauna na si Homer at Kuya Gian kasi maglalaro pa daw sila. HUlaan niyo na lang kung anong laro yun. Tapos, lakad ulit para umusad.

Third stop: Sa may gilid ng subac. Haha. Basta bigla kaming tumigil dun. At sinimulan na ang panggagagew sa bawat taong dadaan, bawat taong nakabisikleta o nakasasakyan.

"pa hitch" [boses bading] -pons
"oy yung flat mo gulong" - jerry

tawa lahat.

"oy pag daan nila tingin tayo lahat sa taas" - june
"oy pre ano yun?" - pons
"puno ng apa pre!" - june
"oy malalaglag na" [habang may dumadaan] - pons
"ang galing naman niyan, nakapagpatubo ng puno ng apa!" - jerry
"onga e, puno ni jerry yun! puno ng apa!" - pons
"oh? ang galing naman ni jerry!" - jerry

at syempre di ko pa ren gets ano bastos dun. basta, tagal din namin dun. pulos pantitirip. haha.

Fourth stop: Dun sa may pinagsskateboard-an. Lamniyonayunkungsaan. Haha. Nagpiler ang mga lalaki, Nagiimajin silang may mga skateboard. Imajinin niyo na lang. Pero ang talagang napagtripan namen e yung eroplano dun, lam niyo yun? E sakto namang may dalawang trabahador sa bubong.

"ligpitin niyo na yan!" - trabahador 1
"eto po? kuya saglit medyo mahirap!" [habang hawak yung pakpak ng eplen] -june
"hindi yan, sa kabila" - trabahador
"teka kuya, mas mahirap to di ko abot!" [tumatalon habang inaabot yung mas mataas na pakpak] - june

di ko na malala kung ano pa mga pinagsasabi nila.

"itim na yang paa mo! hahaha!" - dan
"tanginang paa yan, pati ba naman paa mo mataba!" [nakatingin sa paa ko] - pons
"ay unga, shit, namamaga ba yan?' - miggy

ansama nila. pff.

Last stop: Boardwalk. Eto na, hindi ko talaga alam kung anong totoong pakay namin dito. Kasi raw maghahanap ata sila ng pebbles. At sakto namang pagdating namin dun, e nadatnan namin ang mga I-diamond, nakalublob sa tubig, at ang masaklap, nakauniform. Utang na loob. Nakakahiya sila. Pinagtitinginan ng mga tao, buti sana kung hindi nakilalang taga rs, e nakauniform, at dahil basa sila, mga nakikita na mga ano. Shit. Kaya sinuway namin, nag-sorry na lang sila. Pero duh.

HIndi na kami masyadong nagtagal dun. Kwentuhan at tawanan na lang ginawa namin. Tas nagkayayaan na ring umuwi. Naunang naglakad sina pons jerry miggy at mond, kasundo kami ni dan, tas medyo malayo samin sina ann meh lay at june. Malayo layo na kami nun, nasa may bandang remy na kami, nang biglang mag-ring phone ni dan. Tumatawag si Meh. Bago pa man namin masagot, bumusina na si Mama. Shit. Haha. Naispatan nga kami ng de oras. Ayun pala, kanina pa sila doon, nadaanan nila sila Ann sa Boardwalk, kaya tinigilan at tinanong kung nasaan na ako. E di ba nga nauna na kami. Nag-panic pa daw si Meh nun. "Tangina, di ko madial yung 232!" Pero too late na ren naman. Kaya yun, sumakay kami ni Dan sa sasakyan. At nagsimula na ang walang katapusang asaran.

Tapos akala ko uuwi na kami kaya medyo kalmado ako. Pero, dumaan pa kami sa Lighthouse!! Tae. E di nakaupo kaming ganyan, si Tita, Mama tas ako. Nakahiwalay si Dan. Tas pinagalitan ako kasi bat ko daw iniiwan si Dan. Kaya tinawag siya ni Mama. Magkatabi ng kaming apat. Nakakatawa.

"san ka mag-aaral dan? - mama
"sa slu po." - dan
"bat dun ka?" - mama
"dun po kasi gusto nila mama." - dan
"ahh. anong course mo?" - mama
"mechanical engineering po." - dan
"ahh. kung ako sayo mag-civil ka na lang" - mama
"onga dan, mas may future ka dun" - tita
"ganon po." - dan
"edi magkakahiwalay na kayo ni clyde? anlayo mo e" - mama
"natuwa ka naman ma" - ako
"hahaha. text text na lang sila dona, ano ka ba" - tita
"di na, pagpapalit ka na niyan." - mama

tas tawa na lang kami. nakakahiya pa mukha ni mama, kasi bagong derma siya, kaya puro pimples. tas lakad lakad lang ulit, tas bago kami balik sa sasakyan, e nkwento pa ni mama na nung hayskul daw siya, yung gusto daw niya, di daw siya nagustuhan, pero nung huli rae e nagustuhan pala siya. tas si tita naman daw super dami admirer at mga love letter. haha. tapos,
"oh dan, gwapo ka naman pala e."- mama
"onga iho, gwapo ka pala" - tita

hahaha. kung nakita niyo lang expression ng mukha ni dan. ampiler.
tas nag pa gas lang kami, tas bumili kami ni dan ng coke. tas yun nakauwi na ren sa wakas. sinabay na namin si dan pauwi kasi gabi na.

tas nagtext mama niya sa akin, punta raw ako sa march 29 sa kanila, kasi birthday ng lola ni dan. hmm.

nakakagulat. na nakakatawa.
12:34 AM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>