ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Thursday, May 29, 2008
Bye munting bahay.

Aalis na ako sa 7. Sa 7 pa nga. Pero mamimiss ko ang aming munting bahay.
Hanggang Sabado sa isang linggo ang pasok ko kaya malamang hindi na ako magkakaroon ng oras para umuwi kasi bukod sa sayang pamasahe, haha, e hassle pa. At wala na akong magiging pahinga nun. Kaya ang plano nila, sila ngayon ang bibisita sa akin sa Maynila. Ayos na, kesa sa mamiss ko sila ng sobra.
Nag-impake na ako. Marami akong dalang libro. Haha. As if magagamit ko pagdating ko dun, e tamadis numero uno na nga ako.
Sana lang hindi ako ma-homesick. At makatulog ako ng mahimbing sa magiging bagong tirahan ko, at kama ko.
Roommate ko si Anna Mae, kaya siguradong malinis palagi kwarto namin! At kabahay ko din si Kimoy, kaya sigurado rin madami kaming pupuds palagi. Haha. Kaya kahit walang suporta magulang ko, mabubuhay pala ako. Ü. Haha. Joke lang.
Problema ko lang talaga e hindi ako marunong magluto. At napakamuah rin ng schedule ko, nakakagutom. Kung ano ang breakfast ko, yun na din ang lunch ko. Problema ko din paglalaba. Hassle talaga e. Sunday na nga lang pahinga ko e. Kasi hanggang sabado pasok ko. Mamaya pumasok na ako ng hindi suot uniporme ko. Hahah.
At sana naman matuto na akong matulog ng maaga. At magising rin ng maaga! Ang dami kong hindi alam sa buhay. Wala akong alam sa kahit anong gawaing bahay.
Hindi kasi ako nasanay na nagkukusa kaya wala akong alam. Kaya hindi ko alam kung paano na ako pagdating ko dun.
Ihahatid lang din pala ako. Akala ko magstay pa si mudra hanggang first day ng pasok ko. Hindi na daw pala. Tska bahala na raw ako sa buhay ko.
Haha. Pero naisip ko lang.. Magsisimula ako ng walang kaalamalam. Palagay ko dun ako matututo at sisipag! Haha.
At sana naman, matupad ko na yung palagi kong pramis na mag-aaral na ako ng mabuti. Kasi sayang tuition kung wala ako mapapala!
Haha. So goodluck sa akin! At sa mga magiging kabahay ko. :] Magkukulitan lang tayo panigurado. At mmaeenjoy siguro natin luho ni Kimoy. Hahahaha. Joke lang.

At nga pala, hahakutin na rin kasi tong pc na hiniram ko. Hanggang linggo na lang to. :D
Kaya sulit sulit na dn, kasi pagdating rin naman sa Maynila hindi ko narin mahaharap na magbabad sa internet e.

Kaya paalam na muna sa aming munting bahay. Sabi nila sa sembreak na lang daw ulit ako umuwi. Hahaha. Mamimiss ko kwarto ko. Shet. Yung kama ko. Yung bunso kong kapatid at yung nagbibinata rin. Lahat. Yung refrigerator. Nanay at tatay ko. Yung pangaasar nila. Haha. Para namang hindi na kami ulit magkikita e no.
At may sun cellular sim na ako. Hahaha. :D

Paalam na nga sa pc ko. Papaubaya ko muna sa binata dito. Paalam broadband. Makikinet na lang ako ke Kimoy. Haha. O kaya gamtin ko nalang cell phone. Or net shop. O gigimik na lang ako. Magiikot sa mall. Papasyal. Papaganda haha. Magsasaya. Papasyal. Gigimik.

Tanong palagi ng nanay ko, ano bang gagawin mo, mag-aaral o ano?
HAHAHA.

Hanggang sa susunod. Pipilitin ko rin i-update to. Palagi.
So long blogspot buddies.
Magseseryoso muna ako.

Medyo napaaga lang tong post na to kasi ginanahan ako.
Pero yung pc na hiniram ko e hanggang sa susunod pa na linggo.

College na ako! :DD
Misyo rs! At mga tao dun!
11:15 PM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>