ENTRIES PROFILE LINKS TAGBOARD MISCELLANEOUS CREDITS

Monday, May 26, 2008
Bye highschool

So highschool's officially over now. April 7, 2k8. Nagtapos ng masaya, nakakalungkot, nakakatawa, nakakahiya, nakakatamad, at halo halong pakiramdam.
Baccalaureate Mass, malayo sa mass nung grad nung elementary. Gulat nga ako e. Hindi maxado pinaghandaan, walang choir, hindi alam ng mga graduates ang isasagot, walang alam sa kahit ano mang kanta, at yabang, kasi nasita pa ni father yung tatlong mokong sa harap kabilang sa rj at miggy dun, dahil sa kadaldalan. Pagkatapos nun, inabsorb na lang namin ang laman ng homily ni father, na pwedeng yun na nga daw yung huling araw na buo yung batch namin, na isang malaking karangalan na para sa magulang namin ang makagraduate kami sa RS. Syempre sa responsorial psalm, bida malaanghel na boses ni Paola :) , 1st reading si Charlyn, at ang pinakamalupit...... Sacristan si Engelbert. :)) Haha. Katuwa/Katawa siya, kasi sa tuwing magbbow siya, with matching beautiful eyes pa. Haha. Peace pre, kung makarating man sayo to! Haha. At may bigayan pa ng roses sa magulang, magkaaway pa nga kami ni mudra nun e, pero kiniss ko na lang siya, tas hiningan ng message si Maykel, ang aming Salut, on the spot message yun! At ang dad ni Arthur, na super proud sa kanyang anak! At pagkatapos nun, picture picture ang Pt, at ang Foul. At nakadisplay ang mga panget naming letrato sa labas, na naphotoshop at binebenta ng tig 200 isa. Maaga natapos, at kumain lang saglit sa dunkin kasi tinitipid kami ni Ann ng aming mga kuripot na mudra. Tapos, natulog pagkauwi, nagnet saglit, tas paayos. Tas Occc na.
Graduation na. Medyo marami ng tao nung dumating ako, nasa labas iba sa pt nun habang hinihintay yung iba, haha. Nakakatuwang part, yung dumating yung van nila pangkek. Bumaba ang pangkek 1, pangkek 2, pangkek 3. Basta ang daming pangkek, kasi lahat sila magkakamukha, as in supeeeeeeeeer. Haha. Tas pumasok na sa loob, picture picture, walang sawang picture na halos sitahin na kami. Haha. At nga pala, ang ganda ni Ma'am Sidon at Ma'am Daduya! Hanep! Haha. Tas magismula na raw martsa martsa, tas bago pa man ako pumasok sa loob, gulat ako kasi tinapik ako ng mama ni dan, at sinabitan ako nung sumthing. Haha. Kagulat. Tas yun, kinig sa malupit na speech ni Maykel, na nakakatuwa talaga kasi special mention yung iba, ay actually halos lahat sa section namin. Tapos, bigayan na ng diploma, ayos nga e, pagkakasabi ni Ma'am Sidon sa Pt, "The Unbeatable IV-Platinum" Ayos di ba? Haha. Mayabang. Haha. Tas yun, yung super galing na guest speaker, haha. Di ako masyado nakinig kasi hinihilot ko likod ni Meh, pero alam kong Ateneo Graduate siya at nagtatake up ng law sa Up. Ayos ba? Haha. Tas singit naman ang malaseptic tanks ni Gordon na nagpatamad sa lahat, ni wala nga siyang Graduation Message e. Inis, sayang oras, kaya halos lahat e, kwentuhan at pichuran. Tas sunod naman ang mayabang na valedictory address ni Manalang, na nosebleed, nakakatawa, ang "BUT" niya, yung tassle niyang nakaipit sa tenga niya, na parang ginagawa sa buhok ng babae, gets? Na ikaw mismo e hihingalin sa pagsasalita niya na super bilis. Pero ayos, yabang! Tapos, awarding na. Na nakakatamad , na sana man lang e Top 15 ang inawardan at hindi tinanggal yung Journalist of the Year, at binagyan ng Merit Awards ung ibang club, hindi sana ako tinamad... Pero ganyan talaga ang buhay. Haha. Bwiset. Paasa naman kasi, haha. Bakit dose lang umakyat. Haha. Yaan na. Tas closing remarks, at Grad song na, Thanks to you, na pinatugtog lang. Haha. Ni hindi ko nga kabisado yun. Tas Grad Muvee na bitin kasi pina-cut ni Ma'am Sidon. Tas picture ulit, pamilya at mga hindi makakalimutang kaibigang nakabangga sa RS. Tapos hindi na tumuloy sa loob, at nag kfc na lang, at doon pa nga nagkita ang Calixto-Mendoza La Familia. Pwaha. Nakakatawa. At dun ko rin nawala yung isang libo ko. Na kinabadtripan ni Mama. Dun ako kinawayan nila Ate Cha, at Ate Ekang, nila Kuya Kyle at Sharjah. Tas uwi na. Tas meme agad.

Hindi man ako nalungkot ng todo. Kasi para ngang joke lang yung grad namin, ni walang praktis at on the spot ang mga instructions. Walang may kabisado ng grad song. Walang umiyak. Ata. Haha. Pero siguro yun na nga yung huling beses na buo ang batch namin, pwera na lang siguro kung may partey or sumthing, kung matutuloy pa rin sa susunod yung bawat taong malawakang gala ng aming section tuwing Dec 28. Wala na yung pula naming serbis na palaging maaga, kaya never akong nalate sa klase. Wala na yung bawat oras na pagyaya ni Jio sa caf. Yung pagtambay sa lamesa, sa labas o kung saan. Wala ng pusoy dos na kwartahan. Wala ng kantyawan at asaran. Wala ng malupit na sermon galing ke Mamsi. Wala ng mga kawatan. Wala ng "if" at life lessons ni Sir June. Wala ng hassle sa Ip. Wala ng hiraman ng lectures kay chelly. Wala ng kopyahan. Wala ng piccu people. Wala ng jamming with Pangkek Cerezo. Wala ng angal na early lunch ke Sir Balois. Wala ng pulang lipstick sa ngipin ni Ma'am Vi. Wala ng mala board exam na quiz ni Sir Alip. Wala ng 0/10 na quiz kay Sir Prudy. Wala ng samasamang gala sa pc g, ministop, boardwalk at times. Juno o 10k bc. Hindi na ako aasarin ng "Kilay mo!" O kaya "Pug" at "Tabang pisngi"

Mamimiss ko lahat panigurado. Pero sabi ko nga, Baguio man si Dan, Pao, Jerry, June, Bret, Jackie, Pons, jomz atbp, LB man si Pat, Reg, Damyel at Manci, Diliman man sina Arthur, Chelly, Atenista man sina Jam, Meera, Ej, Maykel, Vance, Mayki atbp, La Salle naman sina Jio, Kamil at Jo, at taga Espanya ang karamihan, kabilang ako, Kim, An, Lay, Meh, Em, Rj, Son, Homer, atbp, highschool never ends pa rin! Grumaduate lang tayo para mayabang, pero hindi tatapusin ang lahat ng nasimulan. Butaw tayo hanggang hanggang. Wag niyong kalimutang, sa atin nagsimula ang bagong uniporme, at tatak na "Para Mayabang". Walang limutan. Text text pa rin. Gm gm pa rin. At magpapogi at paganda na lang daw tayo sa college. Kudos batchmates. Walang limutan, para mayabang. Mwa!

12:36 AM
<body><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=4880903842810101313&blogName=fengfeng%3Dsiao siao&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Ffengfeng-diaodiao-siaosiao.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>